Search Topic In This Blog

Sunday, August 29, 2010

Ganito ba dapat ang ipakita nating mga Pinoy?

Sariwa pa sa alaala ng karamihan lalo na sa mga pamilya ng nadamay at namatayang Hongkong Nationals ang nangyari at madugong Manila Bus Hostage (August 23, 2010 @ Quirino Grandstand). Sa mga larawang nagkalat sa internet, isang pang-iinsulto di lamang sa mga nadamay at nawalan ng mga mahal sa buhay, ito ay pang-iinsulto na rin sa ating Pangulo na kung saan ay kaniya mismong pinahayag at ipinaki-usap sa mamayang Pilipino at sa buong mundo na huwag nating gawing sentro ng issue o i-trivialize ang nangyaring hostage crisis.

Pero, ano itong mga larawang kumakalat sa internet at tama bang gawin ito?...







Hmmm, piyesta sa Qurino Grandstand... PINOY talaga kahit kelan! Oiissstttt!!! grabe mo naman pulis ka pang maturingan at ikaw pa ang pasimuno sa piyestahan at kodakan. Sinundan pa ng mga istudyanteng de-moralidad na maturingan. Ala nagawa pang tumawa at ngumiti... iyan ba ang dapat ipakita sa buong mundo! To be proud sa nangyari? Ala insulto to the max, galit na nga ang ibang lahi, nagluluksa na ang mga nawalan ng minamahal sa buhay... at kayo naman ay todo enjoy sa kodakan! Ang pakiki-bahagi at pakikiramay ay hinde dapat sa ganitong paraan maipakita. KABAYAN konting disiplina naman pairalin natin at tunay na pakiki-bahagi at pakikiramay ang dapat ipakita at iparamdam.


Thanks for reading my article.


Related Issue:

Search on for 'Facebook cops' who posed in front of hijacked bus



No comments:

Post a Comment